HURUNAN

Sa mga Mangyan, ang hurunan ay umpok ng mga bahay sa isang pook.

Kung ano ang kinakain sa isang bahay ay siya ring kinakain sa lahat ng bahat sa loob ng hurunan.

Kung makahuli sila ng dalawang baboy-ramo o usa, kakaining lahat iyan sa isang dulugan. Pagkakain, dahil sa kabusugan, sila’y hihiga na lamang. Hangga’t mayroon, ubus-ubos biyaya; nagtittis naman kung wala.

Ang mga Mangyan ay marunong magdamayan. Ang puno nila ay hindi sinusuway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *