Ika-23 pa lamang ng Hunyo ay gumagawa na ng sumpit sa isang biyas na kawayan. Ito ay gagamiting pambasa kinabukasan.
Pinagkagawian na pagkamisa sa ikawalo ng umaga, ang mga taong naglalakad sa lansangan ay basain.
Isang katuwaan ng mga bata na makita ang mga taong tumatakbo upang makaiwas na mabasa. May mga tao namang sadyang napababasa at hindi nagagalit sapagkat ito’y kinalakhan na nilang kaugalian.
Ang mga taong ayaw mabasa ay hindi naglalakad sa gayong oras. Kung gustong maglakad ay paglagpas ng ika-12 ng tanghali. Kung kailangang-kailangang maglakad, upang huwag mabasa, ila’y nagdadala ng payong o nagsusuot ng kapote, ngunit paanhin man sila’y nangababasa rin.
To be continued with an English translation…
