root word: hugong (meaning: buzzing sound, murmur)
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
hugong: ugong, ingay, dagundong, agang, lagunlon, dagaldal, daguldol, haging, higing
humuhugong: umuugong, nag-iingay, dumadagundong
MGA HALIMBAWA NG PAGGAMIT
Humuhugong ang kanyang tinig.
humuhugong na ulan… humuhugong na tren… humuhugong na pakpak
Sumasabog ang palakpakan at humuhugong ang tawanan sa loob ng silid.
Humuhugong ang alunignig ng mga kuliglig sa kawayanan.
Lumakad ang tren, humuhugong, dinudumihan ang asul at malinaw na kapaligiran sa pamamagitan ng kaniyang makapal na usok naanimo’y maliliit na bandera.
Noong panahong iyon ay mayroong sirena ang munisipyo. Ito’y humuhugong ng alas siyete ng umaga, alas dose ng tanghali at ala singko ng hapon.
Nakapagtataka raw ang lamig ng alasais ng umaga ng tag-init na iyon: bigla raw ang pagsulpot ng sanlaksang bangaw na humuhugong sa natutulog pang hangin.
Ah, ang kaingay ng maraming bayan, na humuhugong na gaya ng hugong ng mga dagat…