Ito ay isang uri ng patalinghagang pagpapahayag o tayutay.
Sa uring ito’y inililipat sa mga bagay ang mga pang-uring ginagamit lamang sa tao.
Paglilipat-wika
Transferred Epithets
Mga Halimbawa Ng Paglilipat-wika
Ang ulilang silid ay nilinis ko.
Nagtatago sa ulap ang mapanibughuing buwan.
Hinahanap ng magkakahoy ang mapaglingkod niyang gulok.
Ang kahabag-habag na pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog.