root word: hapis (meaning: grief)
háhapisin: will let be in affliction
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
háhapisin: dudulutan o bibigyan ng lungkot, dusa o hinagpis
“Ang kahima’t sinong hindi maramdamin
kung ito’y makita’y magmamahabagin;
matipid na luha ay paaagusin
ang nagparusa ma’y pilit hahapisin.”
— Florante at Laura
Ng-uni,t, malulunos ñaman ang panimdim
sa di naglulubag na dinaing-daing
bulaan ang hindi mag mamahabaguin
bacal man ang puso yata,i, hahapisin
— Buhay Na Nasapit Ni Anselmo At Ni Elisa
By Pon A. L. Y. (published 1905)
Diyata’t hahapisin mo ang aking pagpigil.
Mangako ka muna kung di ako hahapisin.
Ito’y aking naging pangako na kay Juan, at ang pag-asa ko nama’y hindi mo ako hahapisin kaya sinabi sa iyo, bakit nga may mga utang na loob tayong kinikilala kaya ako napahinuhod.
Hindi kayo mahahapis, ina ko, at aking papupurihan ang inyong pangungusap kung…
— Kasaysayan ng mag-inang mahirap (nobela, 1994)
Hindi kataka-taka para sa sinumang nangingibig na ang pag-ibig nito ay tanggihan o di-paging-dapatin ng pinag- ukulan. Ang kataka-taka ay ang kung bakit hahapisin na nga, kung di man marapat, ay lalaitin pa.
— Sugat ng alaala (1995)
Lazaro Francisco