root word: daliri (meaning: finger)
gadalari: as much as a finger
gadalari: the same size as a finger
Mamumuhay sa mabiyayang kapaligirang ito? Gayong napakaliit ng kanyang suweldo upang makapagbigay ng gadaliri mang kaginhawahan sa kanyang asawa’t anak? Marahan ang katok. “Si Mang Igme ‘yon,” nakangiting sabi ni Melissa. “Pakibuksan mo na, Love…” Pumasok ang matandang hardinero, hawak ang lumang sumbrerong balanggot. Maliwanag na maliwanag ang mukha sa kasiyahan.
Tama ang kanyang hangarin dahil tumama siya sa dahon ngunit siya’y bumulusok. Hindi niya naisip na ang bigat niya ay hindi kakayanin ng isang payat na dahon. Nang ibuka niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang sariling mahigpit na nakasiksik sa bitak na sanga ng tuod. Sadyang pinagsumikapan niyang maialis ang sarili upang masunggaban ang anumang mahawakan. Ngunit wala siyangm ahawakan maliban sa hangin. Ang lupa ay gadaliri lamang ang dikit ng layo sa dulo…