Doon po sa amin bayan Bibilonia
Karamay karatig bayan binindita
May tumubo doon donya magasawa
Nag-anak ng bugtong na iisa-isa
Ang pangala’y bansag, si Donya Marcela.
Nang isang umagang siya’y nanunuklay
Sa bintana nilang sa gawing silangan
Di kaginsa-ginsa’y sa daraanan
Santong biatikong galing sa simbahan.
Ang wika ng ina’y “Donya na anak ko,
Itigil mo muna ang panunuklay mo.
Pagkaraan noong santong biatiko
Saka mo tapusin ang sa gawing dulo.”
Sumagot sa ina’y kalapastanganan:
“Lumuhod ka, Ina’t ako’y pabayaan.
Marami na akong bayang naparonan
Di ko pa nabasa ang libro mong iyan.”
Di pa natatapos sinasabing libro
Heto na ang apoy na sumisilakbo
Nasunog ang kilay,
sumunod ang ulo
Hindi tinugutan kundi naging abo.
Di ako natakot munti man sa budhi
Kamatayan natin walang pinipili
Papa ma’t cardinal, prinsipe ma’t hari
Dukha ma’t mayaman sa lupa uuwi.