DISPALINGHADO

Sandwich Song Lyrics

Nahipan ng bagyo ang anino mo
Nilunod ng ulan ang paningin ko
Walang naniwala
Sa kanyang nakikita…

Wala bang bakuna sa sakit mo?
Ang daming nabura sa isip ko
Walang naaawa
Nagpapakawawa lang

Nilasing ng antok
Hinulog ng jet pati pag-ibig mo
Ginising ng lamok
Dispalinghado…

Tinulak ng usok ang problema mo
Napupuyat ang alaala ko.
Walang nagtiwala
Ulyaning bahala na…

Nilasing ng antok
Hinulog ng jet pati pag-ibig mo
Ginising ng lamok
Dispalinghado…

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

despalinghádo: wala sa nibel; hindi tuwid

despalinghádo: lisya; liko; wala sa ayos; nakapaling

dispalinghado (maling pagbaybay): di gumagana, may diperensya (nagbagong kahulugan)

Nag-alala ako sa despalinghádong gulóng ng sasakyang iyan. Marami pa namang sakay na pasahero. Maraming masasaktan kung maaksidente ito.

❌ dispanhilado, dispanghilyado, dispalinghadong mga kamay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *