DINAMARKA

This word is from the Spanish Dinamarca.

Dinamarka
Denmark

Kaharian ng Dinamarka
Kingdom of Denmark

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

Ang Dinamarka ay ang pinakamaliit na bansang Nordiko sa heograpiya ng Unyong Europeo. Matatagpuan ito sa Scandinavia, na nasa hilagang Europa.

Tinatawag na mga Danes (lalaki) at Danesa (babae) ang mga mamamayan ng Dinamarka. Nagsasalita sila ng wikang Danes (o wikang Danesa).

Tugon ng Kagalang-galang Ferdinand E. Marcos, Pangulo ng Pilipinas, sa paghaharap ng kredensiyal ni Embahador Erik Skov, bagong Sugo ng Denmark sa Republika ng Pilipinas

Ipinahayag noong ika 13 ng Agosto, 1981

Mabunying Embahador:

Ikinagagalak kong tanggapin ang mga liham ng katibayan na nagtatalaga sa inyo bilang Embahador na Katangi-tangi at may Lubos na Kapangyarihan ng Kahariang Denmark sa Pilipinas, kalakip ang liham ng pagpapatawag sa inyong papalitang sugo.

Nagpapasalamat ako sa mataos na pagbati ng Mahal na Reyna ng Denmark na ipinaabot ninyo sa inyong abang lingkod, sa Pamahalaang Pilipinas at sa sambayanang Pilipino.

Ang pagkatalaga ninyo bilang Embahador sa aming bansa ay nagpapatunay ng matapat na pagna-nasa ng inyong pamahalaan na maisulong ang ibayong ugnayan ng Denmark at Pilipinas. Isang malaking karangalan para sa amin ang pag-uukol ninyo ng pagpapahalaga sa umiiral na relasyon ng ating dalawang bansa.

Ako’y natutuwa na sa pamamagitan ng ating pagsisikap ay napaunlad ang ating ugnayang pangkalakal at pangkabuhayan. Umaasa kami na sa pamamagitan ng E-E-C at ASEAN, ay lalo nating maisasakatuparan ang mga hakbangin upang mapalakas ang ugnayang ito.

Kasiyahan ko ring mabatid ang pagsisikap ng kanyang kamahalan na maisulong ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Denmark.

Tinitiyak ko sa inyo na ang aking administrasyon ay mag-aambag ng lahat ng tulong na inyong kailangan para sa tagumpay ng inyong misyon at sa pagsasakatuparan ng inyong tungkulin bilang sugo ng inyong bansa sa Pilipinas.

Mangyari lamang na ipaabot ninyo sa kanyang Mahal na Reyna ang taos-puso kong pasasalamat, kalakip ang matapat na hangarin para sa kanyang kalusugan, pati ng kaligayahan at kasaganaan ng mamamayan ng Denmark.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *