Ang Micronesia ay pangalan ng isang rehiyon sa Karagatang Pasipiko.
Ang pangalan ay nagmula sa wikang Griyego at ang ibig sabihin nito ay “maliliit na pulo.”
Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran, and Indonesia sa timog-kanluran, ang Papua New Guinea at Melanesia sa timog, at ang Polynesia sa timog-silangan at silangan.
Bukod sa “Federated States of Micronesia,” may iba pang bansa na matatagpuan sa loob ng pangkalahatang rehiyon ng Micronesia — kabilang sa mga bansang ito ang Palau, Kiribati, Marshall Islands at Nauru.
Sa loob rin ng pangkalahatang rehiyon na Micronesia, mayroong ilang teritoryo ang Estados Unidos sa may hilagang bahagi — ang mga teritoryong ito ay ang Northern Mariana Islands, Guam at Wake Island.



