CJD

Creutzfeldt–Jakob disease is a fatal degenerative brain disorder. 🧠

CJD is caused by a type of abnormal protein known as a prion. Infectious prions are misfolded proteins that can cause normally folded proteins to also become misfolded.

A famous person who recently died from CJD was Dr. José Baselga who lead cancer research at AstraZeneca.

KAHULUGAN SA TAGALOG

Ang CJD ay pisikal na sakit ng utak. Ang sinumang magka-CJD ay tiyak na mamamatay sa madaling panahon dahil walang gamot para sa sakit na ito.

Ang sanhi ng CJD ay mga protina sa utak na mali ang pagkakatupi o pagkakatiklop. 🧠 Ang tawag sa mga abnormal na protinang ito ay prion (pra-yon).

Kabilang sa maaagang sintomas ng CJD ay ang pagiging kalimutin.

Mabilis ang progreso ng paglala ng CJD. Namamatay ang pasyente sa loob ng ilang linggo o buwan pagkasimula ng mga sintomas. Maaaring “natutulog” ang mga protina nang maraming taon na walang sintomas, subalit kapag ito’y nagising at nagsimula nang magpakita ng mga sintomas, tiyak na ang mabilis na paglala ng sakit at dapat nang maghanda ang pasyente at kanyang mga pamilya at kaibigan para sa pagdating ng kamatayan.

Walang gamot sa CJD. Maaaring bigyan ng analhesya ang pasyente para hindi masyadong masakit ang nararamdamang mga pisikal na sintomas, gaya ng matinding sakit ng ulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *