Ang “Bermuda Triangle” ay isa sa mga kilalang misteryo ng mundo. Ito ay rehiyon na masasabing malapit sa hugis ng triyanggulo o tatsulok sa gitna na karagatan, malapit sa Florida.
Napakaraming eroplano at sasakyang-pandagat ang nawala doon nang walang nakakaalam kung paano. Subalit, mayroong mga siyentipiko na nagsasabi na ang bawat insidenteng nangyari sa Bermuda Triangle ay mayroong batayan sa siyensiya.
“Bermuda” ang pangalan ng isang isla na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Inglatera sa Hilagang Karagatang Atlantiko.