Ano Na (Lyrics)

Ano Na (Lyrics)

[Calvin:] Sa paggising ko tila himig mo ang bungad ng araw ko
Pagmulat ng mata jusko eto may muta pa ako ugh
Teka ano na nga ba, san na ba papunta,
lungkot ng buhay ko’y talagang grabe na
Hanggang saan ba aabot ang panaginip ko
sa isang babaeng umaalon ang kanyang buhok
Para bang gusto ko na tumakas talaga
sa isang bangungot na binuo ko nang mag-isa

Habang ako’y papatulog na dapat na nang mahimbing
Ako’y napapraning at napapailing sa
Mga bagay na iniisip ko sa tuwing ako’y nababato
Bakit ganito naninigas ang ulo ko
Tumayo na lang bigla ang aking buhok
tila ba parang
May isang babae na nakatayo sa sulok
At di na makalagaw ang aking nararamdamdam na para bang may humahaplos na sa aking mga tiyan

Kasabay nito’y hawak ko na ang isang mainit na uhhh
isang tasang kape
Bakit ganto ba pre hindi mapakali sa tuwing ako’y
nag-iisa wala na akong pake

[Kiyo:] Para kang bahaghari
Sa liwanag iyong nadale

Kung hindi ikaw ang pinangako mabuti na lang na maging isang pari

Sa kamandag na taglay ay grabe
Walang sinabe mga babae, sa karilagan, kapag dumaan
Kasalanan ko na naman dahil naakit

Sa pula mo na labi sana nakatitig ka sa ‘kin palagi
At sa pagdilat sa umaga tinig mo ang panggising sa ‘kin

Na parang pelikula, di na kailangan mag-cinema
Ikaw ang buong istorya, sabay boses mo ang nagsisillbi na musika

Sining sa museo na tanging diyos lamang ang nagpinta
Nakita kita naparang anghel, para sa ‘kin at di sa iba

Ang hirap na magbida, ang isa na extra
Sa litrato na ‘di para sa kanya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *