Tinatawag na puzzle sa English at rompecabeza sa Espanyol.
Ang palaisipan ay nagbibigay ng suliranin at tandisang hinihingi ang kasagutan.
Ang palaisipan ay maaaring hindi nagpapahula tulad ng bugtong ngunit nagtutulak upang mag-isip nang malalim.
“Ang tubig ma’y malalim,
malirip kung libdin;
itong budhing magaling,
maliwanag paghanapin.”
“Ang sugat ay kung tinanggap
di daramdamin ang antak,
ang aayaw at di mayag,
galos lamang magnanaknak.”
“Tanaga ng mga Tagalog”
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
paláisipán: tanong o pangungusap na binalangkas upang sanayin ang kakayahan sa pagsagot at pagtuklas ng kahulugan nitó
paláisipán: nakalilitong tanong, suliranin, o bagay
paláisipán: anumang kataká-takáng salita o pahayag