Ang Malungkot na Katotohanan

Tula ni Jezrell Canoy

Ang malungkot na katotohanan
Jezrell Canoy

Ito ay nasa ating isipan
Na kumikintal sa sanlibutan
Ito ay nasa ating harapan
Na kumikintal sa kasalukuyan

Sandali lang! kababayan
Ibaba mo muna ang katamaran
‘Wag kang magmamadali sa karapatan
‘Pagkat pumasok na ang katotohanan

Alam mo ba’ng malungkot na katotohanan?
Ito ang pagtanaw sa kapalaran,
Kapalarang nakulong sa nakaraan
Bihirang makabalik sa kinabukasan

Tayo’y nasa mahirap na daan
Ang malungkot na katotohanan

2 thoughts on “Ang Malungkot na Katotohanan”

  1. minsan ang malungkot na katutuhanan ang magtulak natin sa madilim na kapalaran kung hindi ito malulunasan,kaya huwag magpadala sa nakaraan halina’t harapin natin ang kinabukasan kahit may mabigat tayong pinapasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *