Anekdota ni Saadi

ni Idries Shah

In his writings, Idries Shah (1924-1996) presented Sufism as a universal form of wisdom that predated Islam. Emphasizing that Sufism was not static but always adapted itself to the current time, place and people, he framed his teaching in Western psychological terms.

Shah made extensive use of traditional teaching stories and parables, texts that contained multiple layers of meaning designed to trigger insight and self-reflection in the reader. He is perhaps best known for his collections of humorous Mulla Nasrudin stories.

Anekdota ni Saadi

Isang araw, may isang mongheng Mohametano na nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng Mohametano habang dumadaan siya.

Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”

Kung kaya’t ang ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *