Mullah Nassreddin

Maraming paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.

Si Nasreddin Hodja ay isang pilosopo noong bandang ika-13 siglo. Pinaniniwalaan na ang kanyang sinilangang bayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng Turkey.

Kilala si Nasredin dahil sa kanyang mga nakatutuwang kuwento at anekdota. Sinasabing siya’y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi rin siyang pinagbibiruan.

Nassreddin
Mullah Nassreddin

Ang “Mullah” ay isang titulo na ibinibigay sa matatalinong Muslim. Halos lahat ng mga Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni Nasrudin. Kahit ang mga di-Muslim sa Tsina ay alam din ang mga anekdota niya, at sa wikang Tsino ang pangalan niya ay “Afanti.”

Ang Sermon: Isang Anekdota

Minsan, inimbitahan si Nasreddin na magbigay ng sermon. Bago siya magsimula, kanyang itinanong, “Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”

“Hindi po,” sagot ng mga tao.

“Ay! Ayaw kong magsermon sa mga taong hindi alam kung ano ang aking sasabihin.”

Nahiya ang mga tao sa kanilang kamangmangan, kaya’t muli nilang inimbita si Nasreddin.

Tanong niya: “Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”

“Opo,” sagot ng mga tao.

“Ay! Kung alam n’yo na kung ano ang aking sasabihin, hindi ko na aaksayahin pa ang inyong oras,” at umalis si Nasreddin.

Talagang sobra na ang pagkalito ng mga tao. Nagpasya silang anyayahan ng isa pang beses si Nasreddin, at pinaghandaan nila ang kanilang isasagot.

“Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”

“Opo,” ang sagot ng kalahati ng mga tao. “Hindi po,” ang sagot ng iba.

Kung kaya’t ang tugon naman ni Nasreddin, “Kayong may alam kung ano ang aking sasabihin… pakisabi doon sa mga hindi nakaaalam.”

At umalis si Nasreddin.

31 thoughts on “Mullah Nassreddin”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *