root word: alò
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
pag-alò: paghimok o pagsuyo sa isang batàng nagtatampo o nagmamaktol
alò: aliw para sa táong nalulungkot, nababagabag o may suliranin
aluin: aliwin ang nalulungkot, nababagabag o may suliranin
Matapos ang unos, sino ang gagala upang aluin ang mga sawimpalad?
Sa harap ng paghihinagpis , ang normal nating reaksyon ay aluin ang nananangis upang matigil kahit sandali ang kanyang paghihirap.