beat a person to helplessness
KAHULUGAN SA TAGALOG
umugin: bugbugin, saktan, lamugin
umugin ang katawan
uumugin: bubugbugin, sasaktan, lalamugin
inuumog, inumog, uumugin
Ang kanyang mga mata at ang kanyang hininga ay kâpwa tila may sulak ng apoy, samantalang, anaki’y may lusaw na tinggang gumagapang sa kanyang mga ugat. Ngani-ngani niyang labnutin ang bawa’t masalubong, at umugin. Nangangati ang kanyang mga kamay. Ibig niyang isikad ang kanyang mga paa at ikagat ang kanyang mga ngipin. gayon marahil ang isang inaalihan ng amuk. Nguni’t ang sagid ng ulap sa kanyang isipan ay matuling pinawi ng gumitaw na liwanag.
— Luha ng Buwaya (nobela ni Amado V. Hernandez)