Balatkayo
ni PJae Angeles
mga kamay ma’y walang posas
di rin naman makapagbigay-lunas
mga kamay na di ka mahagkan
walang silbi dahil di ka mahawakan
mga kamay ma’y di nakagapos
di rin naman makakilos
mga kamay na nalilimitahan
sa maaaring ipakita sa karamihan
mga kamay ma’y di nakatali
panakip na lamang sa mga hikbi
ng pusong ang tanging hiling
ay malaya kang makapiling
mga kamay na malaya kuno
mga kamay na nagbabalatkayo
mga kamay na tanging totoo
kapag ikaw lamang at ako