TULA: Ang Bantayog

Ang tulang ito ay isinulat ni Bartolome del Valle. This Tagalog poem was written by the Filipino poet Bartolome del Valle.

ANG BANTAYOG   

May isang bantayog sa liwasang-bayan,
nililok sa marmol, maganda’t matibay,
ang bawa’t magdaa’y lubos ang paghanga
sa bagong bantayog ng isang dakila.

Nagdaan ang araw, linggo, buwan, taon,
ang bagong bantayog ay luma na ngayon,
inula’t inaraw, dumupok, nabasag,
hanggang sa madurog ay walang lumingap.

Ang tanging bantayog na di-magigiba
ay gawa ng pusong mapagkawanggawa,
buhay na inukol sa buhay ng iba.
at di sa sariling kapakanan niya,
ang ipinupunla’y pag-ibig sa puso
na tanging bantayog na di-maguguho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *