isdang pinausukan (smoked fish)
Among the fish popularly smoked in the Philippines are bangus (milkfish), tamban, galunggong (roundscad), and tilapia.
Tinapang Salinas is an iconic product of the town of Rosario in Cavite province.
In the United States, you can buy tinapa flakes from FilAm supermarkets to use as a topping for pancit palabok. 🙂
TINAPANG ISDA
Hugasan ang mga isda sa tubig na malamig at pagkatapos ay sa mainit naman, iyong kumukulo. Kung minsan ay suka ang ginagamit sa halip na tubig.
Ginagawa o ginagampanan ang pagtatapa sa mga hurnong lupa na sa pinakabibig ay maluwag na lalabas ang usok — doon ay isasalang na patung-patong: nguni’t may puwang ang mga parang asad na paglalagyan ng mga isdang itinatapa. Ang usok ay nararapat magdaan sa walo o sampung asad na ito at pagpapalit-palitin.
Samakatuwid ang nasa ibabaw ay mapapailalim at ang nasa ilalim ay mapapaibabaw sa pagitan ng pagkakalimang minuto — kapag ang unang asad na nasa ibabaw ay dumating sa kailaliman sa loob ng nasabing oras ay babalikan ang pagkakalagay ng isdang nasa asad.
Ang pinaglagarian o ang ipa ay siyang mabuting gamitin sa pagtatapa.