root word: tangkákal (tagúyod)
KAHULUGAN SA TAGALOG
itangkákal: itagúyod
itangkákal, magtangkákal
Nagpaalam sa Berbanyang
ipinagbubunyi sila,
nang sumapit sa kanila
nagbubunyi’y anong sigla!
Para bagang sa digmaan
ay bayaning nanagumpay
bayang kanyang tinangkakal
sa paghanga’y nagdiriwang.
Sa pag-uwi ng dalawa’y
mayrong dapat ipagtaka,
layong yaong di-mataya
sa isang oras ay nakuha.
Dinatnan ang kaharia’y
nasa ibang mga kamay,
ang kapatid at magulang
ay wala na’t nagsipanaw.
Gayon pa ma’t walang gulo’t
mapayapa rin ang reyno,
ang tauhan sa palasyo
ay wala ring pagtatalo.