tanghál / itanghál: to exhibit, display
tanghál: to be shown, on display
tanghalan: exhibition
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
tanghál: tampok, tanyag; naka-eksibit
tanghal (itanghal): ihayag, dakilain, kilalanin; parangalan; ilantad, itampok
tanghal (pagtatanghal): pagpapapalabas ng dula, sine, opera, atbp., sa entablado o sa telon
Tinanghal si Lapu-Lapu bilang kauna-unahang bayaning Pilipinong nagtanggol sa ating kalayaan nang mapatay niya ang lider ng mga dayuhan sa Labanan sa Mactan.
Ang Loboc Children’s Choir ay nakapagtanghal na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, maging sa ibang bansa, gaya ng Tsina.