Mga Halimbawa ng Tambalang Salita
TAKÍP-ASÍN
takíp-asín: maliit na punongkahoy (Macaranga bicolor), 8 m ang taas, malago ang mga da-hon na may mahabàng tangkay
TAKÍP-KUHÓL
takíp-kuhól: haláman (Centella asiatica) na hugis bató ang lungtiang dahon, mabalahibo ang tangkay, at kulay lilà ang bulaklak
TAKÍPMATÁ
takípmatá: talúkap
TAKIPSÍLIM
takipsílim: dápithápon
takipsílim: larong hulaán, pinipiringan ang matá ng taya, paiikutin nang tatlong beses at kailangang may mahúli siyang kalarong huhulaan ang pangalan
TAKÍPSILÍPAN
takípsilípan: ang pahilíg o patayông balangkas na kahoy sa pagitan ng mga baitang ng hagdanan
TAKÍP-SUSÔ
takíp-susô: takíp-kuhól