Tambalang Salita (Punong-)

Mga Halimbawa ng Tambalang Salita

PUNÒNG-GURÒ

punòng-gurò: ang pinunòng namamahala sa isang paaralan

PUNÒNG-HIMPÍLAN

punòng-himpílan: ang gusali o pook para sa isang punòng militar at mga tau-han nitó

punòng-himpílan: gusali o pook na nagsisilbing sentro sa pamamahala ng isang organisasyon

PUNÒNGKÁHOY

punòngkáhoy: halámang nabubúhay nang ilang taon, makahoy, may panguna-hing katawan o punò, iba-iba ang taas, at karaniwang tinutubuan ng mga sanga at dahon na may distansiya mula sa lupang pinag-uugatan nitó

PUNÒNG-KATAWÁN

punòng-katawán: hibas para sa uten o puke

PUNÒNG-LUNGSÓD

punòng-lungsód: alkalde

PUNÒNG-ABALÁ

punòng-abalá: tao na may handa o namamahala sa anumang pagtitipon o kasayahan

punòng-abalá: tao na nagbibigay ng parangal

PUNÒNG-BANTÂ

punòng-bantâ: manlilikha o pasimuno ng isang bagay

PUNÒNG-BÁYAN

punòng-báyan: alkalde

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *