Mga Halimbawa ng Tambalang Salita
PAGBIBIGÁY-ALÁM
pagbibigáy-alám: pagbibigay ng sapat na impormasyon o balita
PAGBIBIGÁY-BISÀ
pagbibigáy-bisà: kilos o proseso ng pag-bibigay ng legal na kapangyarihan
PAGBIBIGÁY-BÚHAY
pagbibigáy-búhay: pagbibigay ng sigla at alaga upang mabúhay
PAGBIBIGÁY-DANGÁL
pagbibigáy-dangál: isang bagay na nagtataas sa karangalan ng bayan, lipunan, at anumang kinabibilangang institusyon
PAGBIBIGÁY-GÁLANG
pagbibigáy-gálang: pagbibigay ng nara-rapat na respeto sa isang tao
PAGBIBIGÁY-KASIYÁHAN
pagbibigáy-kasiyáhan: pagbibigay ng ligaya at ginhawa sa isang tao
PAGBIBIGÁY-KÁYA
pagbibigáy-káya: pagbibigay ng dote bílang gampanin sa kasal
PAGBIBIGÁY-LAKÁS
pagbibigáy-lakás: pagbibigay ng anu-mang makapagdudulot ng lakas
PAGBIBIGÁY-NGÁLAN
pagbibigáy-ngálan: paggawâ ng isang ngalan batay sa mabuti, marangal, at matalinong kapasiyahang magdudulot ng dangal sa sariling pangalan o pamilya
PAGBIBIGÁY-PALÀ
pagbibigáy-palà: pagbibigay ng gantimpala sa sinumang may nagawâng mahusay
PAGBIBIGÁY-PÚRI
pagbibigáy-púri: pagbibigáy-dangál