root word: tatag
tagapagtatag
founder
Mga Amang-Tagapagtatag ng Estados Unidos
Founding Fathers of the United States
Mga tagapagtatag ng relihiyon
Founders of religion(s)
Si Laozi daw ang tagapagtatag ng Taoismo.
They say Laozi is the founder of Taoism.
Ang Hinduismo ay walang isang tagapagtatag.
Hinduism has no one single founder.
Ang tagapagtatag ng Kristiyanismo ay si Hesus.
Jesus is the founder of Christianity.
Si Muhammad ang nagtatag ng Islam at tinuturing ng mga Muslim bilang isang sugo at propeta ng Diyos. Mohammed is the founder of Islam and is considered by Muslims as a messenger and prophet of God.
Si Albert Garrido ang tagapagtatag ng Kabataang Esperantista ng Pilipinas. Albert Garrido is the founder of the Philippine Esperanto Youth.
KAHULUGAN SA TAGALOG
tagapagtatág: tao na nakatuklas ng isang bagay o kayâ’y nagtayô ng isáng samahán o institusyon
organisadór, pundador