sug·póng
sugpóng
connection /
joint
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
1. Dáko o bahaging pinagsaniban ng dalawa o higit pang bagay.
2. Pagdurugtong ng dalawang bagay na ibig pagkabitin (lálo na kung nagpapahabà o kayâ ay nagpapalápad).
hugpong, dugtong, ugpong
nasusugpong: nadudugtong, nakakabit
pagsusugpóng, pagkakasugpóng, sugpungán
isugpóng, magsugpóng, pagsugpungín, mapagsugpóng, magsugpóng
Halimbawa ng paggamit sa Ibong Adarna:
Ang Serpyente ay matapang
sanay siya sa pagpatay,
pitong ulo maputol man
nasusugpong kapagkuwan.
Yaong nakapagtataka
galing nitong dinadala
ulong putling ng espada
buhay ri’t nasusugpong pa.