root word: sawata
sinawata: interrupt, halt, “nip in the bud”
masasawata: can be nipped in the bud
KAHULUGAN SA TAGALOG
sawatain: apulain, sawayin, pigilin, pahintuin, sansalain, bawalan
MGA HALIMBAWA NG PAGGAMIT
Ngunit sinawata
Ng bakal na barandilya’t banta ng barbwayr
Ang taos ng aking panggigilalas.
Mabilis na siniwata ni Jules ang sasabihin ko.
Sinawata ng guwardiya ang naglalaban. “Hoy, ano ba’ng nangyayari rito?” Hindi sumagot ang mga nagbubuntalan. Nakatingin si Remegio kay Salvador,at waring nagbabanta ang mga mata.
Sa galit, bibigwasan pa sana ni de Gracia
Ang dalawang mulala
Datapwa’t sinawata
Ni Tenyente Aparici: “El Jefe, tama na!”
Nahihiya man sa simula, hindi na sinawata ni Ada ang mga pakuwela ni Angelita.
“Bili na sa aming puwesto. Mabait ang nagtitinda rito,” pakantang anyaya pa ni Angelita.
Sa gawang mahalay at di sinawata
di na mangingimi na magwalang hiya.
Babaeng pagtakpan sa masamang gawa
makaaasa kang lalo pang lalala.
Sinawata agad ng mga Espanyol ang himagsikan.
Ito’y hindi grabe pag nagsisimula,
Nguni’t kapag hindi agad sinawata
Ay sadyang kakalat at biglang lulubha.
Ang naturang insidente ay ginamit ng mga prayle upang masawata naman ang isyu ng sekularisasyon at Pilipinisasyon sa simbahan.