Naririnig pa noon ang mga huling tunog ng bals sa maluwang na bulwagan ng tahanan sa Grosbenor Skuare nina Mrs. Montresor. Doon ay nagsidalo ang mga panauhing babae’t lalake na para-parang maharlika at sila’y hinandugan ng isang magarang sayawan na sadyang ginanap dahil sa nalalapit na pag-uwi sa Nueba Orleans ng mayamang amerikanang Mrs. Montresor kasama ang kanyang pamangking Adelaida Horton, makisig at magandang binibining hinangaan sa Londres sa boong pagtatagaraw noong 1860.