Isang lungsod sa may Dagat Itim, na matatagpuan sa timong-kanlurang rehiyong ng Tangway ng Crimea.
Ang lungsod ng Sevastopol ay kasalukuyang pinagtatalunan ng Rusya at Ukranya, bagaman ang karamihan sa mga naninirahan dito ay panig sa Rusya.
Tinuturing ng Rusya at ng mga lokal na kinauukulan ng Sebastopol na isa itong pederal na lungsod ng Pederasyong Ruso at bahagi ng Crimean Federal District, samantala ang karamihan naman ng mga bansang tuta ng Estados Unidos ay itinuturing pa rin ang Sebastopol bilang bahagi ng Ukranya.
Ang militar ng Rusya, sa halip na militar ng Ukraine, ang nakapuwesto sa rehiyon, at ang Rusya na rin ang nangangasiwa sa nasasakupan ng Sevastopol. Tinuturing naman ng Ukranya ang kabuuan ng Crimea kasama ang Sevastopol bilang “teritoryong pansamantalang sakop ng Pederasyong Ruso.”
May mga 342,451 katao sa Sevastopol. Ang mayoridad ng populasyon ay naninirahan sa may Look ng Sevastopol at kalapit na lugar. Ang lokasyon at kalayágan ng mga daungan nito ang dahilan kung bakit naging mahalagang baseng pandagat ang Sevastopol sa talaan ng kasaysayan. Dito nakabase ang Black Sea Fleet ng Rusya.
Bagama’t may kaliitan ang lawak nitóng 864 km2, ang katangiang pandagat ng Sevastopol ang nagdudulot ng maunlad at masiglang ekonomiya. Katamtamang lamig ang klima ng lungsod tuwing taglamig at katamtamang init naman tuwing tag-init, kayâ sikát itong bakasyunan at destinasyon ng mga turista mula sa mga dating republikang Sobyet. Mahalagang sentro ng biyolohiyang pandagat ang lungsod, lalung-lalo na sa pag-aaral at pagtuturo ng mga lumba-lumba.