Sa Dalampasigan (Song)

beach in Tagalog

Ang orihinal na himig ng “Sa Dalampasigan” ay kilala sa awiting “Doon Po Sa Amin.”

Ang “Sa Dalampasigan” ay nagtataglay ng diwang makabayan. Ani Felipe P. de Leon, “Maamo at malumanay ang daloy ng musika na bagay na bagay sa mga titik na kadaramahan ng marubdob na pag-ibig sa tinubuang-lupa.”

Basahin natin ang mga titik ng awit:

SA DALAMPASIGAN

Sa dalampasigan, ng dagat-Maynila
Luneta ang tawag ng mga Kastila
Ay doon binaril ang kaawa-awa
Nating Pilipino, martir nitong lupa.

Naramay sa dusa ang ating tanggulan
Panganay na Burgos at bunsong si Rizal
Sa inggit at takot ng mga sukaban
Pinatay nang walang bahid-kasalanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *