This word is from the Spanish roscas (meaning: thread, screw ring).
KAHULUGAN SA TAGALOG
róskas:paikot na ngipin sa katawan ng tornílyo, piyérno, tuwérka, túbo, o anumang bagay para mapaikot o mahigpitan ito
roskas: ang bahaging gilít-gilít ng turnilyo atbp.
bawat roskas ng turnilyo
pagsasabwatan ng turnilyo at roskas
iróskas, magróskas, roskasán
Gulat din naman ako sa matandang ire, may roskas ata ang mga tuhod, ere ako’t hapung-hapo e…
Kapansin-pansin din ang pagkukumagkag ni Virgilio Almario na isangkot sa kamalayan ng mga makata ang kanyang teorya na ang Pilipinas ay de makina na. Inaawit na niya ang epekto nito sa tao ng tanawing industriyalisado. Nagpakita ng krudo, ng piston, ng roskas ng turnilyo, ng tuwerka, ng tubo at nagpalanghap siya ng usok ng pugon!