RITMO

This word is from the Spanish language.

ritmo
rhythm

Ano ang ritmo?
What is rhythm?

Ang ritmo ay ang payak na pagtataon ng mga tunog na pangmusika at mga katahimikan o pagtahimik.

The obscure native Tagalog word is aluy-oy.

Anumang regular na paulit-ulit na galaw, simetriya, aliw-iw, hagod, indayog, imbayog, kumpas, o tiyempo ng tugtog.

ritmo ng tula
poem’s rhythm

In poetry, rhythm is the pattern of stressed and unstressed syllables in a line.

Isang galaw na minarkahan ng tinatabanang palitan o sunuran ng malalakas at mahihinang mga elemento, o ng magkakabaligtad o iba’t ibang mga kalagayan o kundisyon.

KAHULUGAN SA TAGALOG

rítmo: indáyog

Ang ritmong may dalawang pulso sa isang sukat ay dupol (duple) at ang may tatlong pulso ay tripol (triple). Ang mga ito ay saligan ng mga ritmong higit sa tatlong pulso ang bawa’t sukat.

Ang ritmong may apat na pulso sa isang sukat ay maituturing ding payak.

3 thoughts on “RITMO”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *