Ang retóriká ay ang pag-aaral ng mabisàng paggamit sa wika.
tanong retorikal
rhetorical question
Ito ay isang tanong na walang inaasahang sagot na ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Ang tanong retorikal ay isang pahayag na hindi nangangailangan ng sagot o kung may sagot man, ang sagot ay sobrang obvious (madaling makita o maunawaan).
Halimbawa ng Tanong Retorikal
Nakita ni Anabel ang kapatid na nagsusundot ng daliri sa saksakan ng kuryente. Tanong ni Anabel, “Gusto mo bang mamatay?”
Ang totoong ibig sabihin ni Anabel, “Huwag mong gawin iyan at baka makuryente ka.”
Iba Pang Mga Halimbawa ng Tanong Retorikal
– Katoliko ba ang Santo Papa?
– Marunong bang lumipad ang uwak?
– Tumatahol ba ang mga aso?
– Mainit ba sa impiyerno?
– Nagbibiro ka ba?
– Lumilipad ba ang mga baboy?
– Lumalangoy ba ang isda?
– Basa ba ang ulan?
* Ilang beses ko pang sasabihin sa iyo na maghugas ka ng kamay bago kumain???
Nasuot Mona ba Ang damit na regalo ng iyong ninang?