This word is from the Spanish renacimiento.
Renasimiyento
Renaissance
spelling variation: renasimyento
Ang salitang Renasimiyento ay mula sa Pranses na Renaissance, na nangangahulugang “muling pagsilang” (Ingles: Rebirth) na mula sa Italyano na Rinascimento (mula sa re- “muli” at nascere “isilang”).
Ang Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa.
Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na “Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: “Man is the measure of all things.)”. Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan.