REAKSIYONARYO

This word is from the Spanish reaccionario.

Referido a ideologías o personas que aspiran a instaurar un estado de cosas anterior al presente.

Ang salitang reaksyonaryo ay tumutukoy sa mga idelohiya o tao na nagnanais ibalik ang nakaraang sitwasyon ng lipunan na sa paniwala nila ay mas mayroong disiplina at paggalang sa awtoridad.

The word reactionary refers to ideologies or people who wish to return society to its previous state which they believe possessed more discipline and respect for authority.

Kung sa ganoon, naniniwala ang mga reaksyonaryo na ang kasalukuyang estado ng lipunan ay kulang sa disiplina at respeto sa may kapangyarihan.

Ang ganitong paniniwala ay nabigyang kabuluhan noong rebolusyon sa Pransya. Sa panahong iyon, ang salitang reaksiyonaryo ay para sa kilusan tungo sa pagbabaligtad na kasalukuyang kalagayan ng lipunan o ang pagbabalik sa nakaraang kundisyon ng lipunan.

Ang Himagsikang Pranses noong mga taong 1789 hanggang 1799 ay napaka-radikal na himagsikan na bumaligtad sa mga pagpapahalaga ng mga matatandang henerasyon. Dahil sa lubhang pagkakagulo dahil sa rebolusyon, maraming mga taong reaksiyonaryo ang nagnanaiis ibalik ang katiwasayan na umiral noong bago naganap ang rebolusyon.

Subalit ang dating sitwasyon ng lipunan, bagamat matiwasay, ay mayroon ding labis na di-pagkapantay-pantay ng tao. Kung kaya’t sinasabing ang mga reaksiyonaryo ay hindi masyadong pabor sa pagkakapantay-pantay ng tao dahil para sa kanila, ang lipunan ay mas matiwasay kung kikilalanin na, bilang halimbawa, ang mga babae at lalaki ay may kani-kanilang puwesto sa lipunan at natural lang na mayroong mga taong mas may makapangyarihan kaysa sa iba.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

reaksiyonáryo: tao na may tendensiyang sumalungat sa pagbabago at magtaguyod ng pagbabalik sa dáting sistema

reaksiyonáryo: anumang laban sa progreso o lumalabag sa batas ng pagsulong ng kasaysayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *