Pygmalion is a play by George Bernard Shaw, named after a Greek mythological figure. It was first presented on stage to the public in 1913.
In ancient Greek mythology, Pygmalion fell in love with one of his sculptures, which then came to life.
KAHULUGAN SA TAGALOG
Pigmalyon: hari ng Cyprus at eskultor na umibig sa nililok niyang estatwang garing na dalaga
Sa salaysay ni Ovid, si Pygmalion ay isang manlililok na naglilok ng isang babae mula sa garing.
Matapos makita ni Pygmalion ang mga Propoetide siya ay “hindi na interesado sa mga babae,” ngunit ang rebultong nilikha niya ay napakarikit at makatotohanan na nahulog siya rito.
Dumating ang araw ng pista ni Aphrodite at si Pygmalion ay nagbigay ng alay sa altar ni Aphrodite. Tahimik siyang humiling ng isang nobya na magiging “ang buháy na katawan ng kaniyang babaeng garing.” Nang makauwi siya, hinalikan niya ang kaniyang rebultong garing, at naramdaman niya na ang mga labi nitó ay medyo mainit. Hinalikan niya ito muli at naramdaman niya na nawala na tigas nitó. Tinupad ni Aphrodite ang hiling ni Pygmalion.
Pinakasalan ni Pygmalion ang rebultong garing na naging tunay na babae na sa ilalim ng pagbabasbas ni Aphrodite. Nagkaroon sila ng anak na babae, si Paphos, kung saan nakuha ang pangalan ng lungsod.