PUNTA

This word is from the Spanish punta (meaning: point).

pun·tá
direction, destination

Saan ang punta mo?
Where you going?

Punta tayo sa Maynila.
Let’s go to Manila.

Punta tayo bukas.
Let’s go tomorrow.


Saan ka pumunta?
Where did you go?

Pumunta ka ba sa Olongapo?
Did you go to Olongapo?

Susundan kita kahit saan ka man magpunta.
I’ll follow you wherever you may go.


papunta
headed for, bound for

Papunta ako ngayon sa ospital.
I’m on my way now to the hospital.


puntahan
to visit

Pupuntahan kita sa bahay mo.
I’ll visit you at your home.


KAHULUGAN SA TAGALOG

puntá: magtúngo o tumúngo

magpuntá, pumuntá, puntahán

KAHULUGAN SA TAGALOG

puntâ: piraso ng makapal na kawayang kulang sa isang dipa ang habà, may nakalawit na alambre sa magkabilâng dulo na ikinakalawit sa balde o timba, at pinapasan

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

púnta: dunggit (nakausling dulo)

púnta: láyon (anumang ninanais na makuha o maratíng)

púnta: bahagi ng lupang nakaungos sa dagat

púnta: dulo (tulís na bahagi)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *