Poem by Kenneth Luis Berasis

Hindi ko mawari kung paano ko sisimulang
itula ang mga nararamdaman.
Nananatili sa isipan ang mga katanungang hindi mahanap ang kasagutan.
Mga damdaming hindi man lang maunawaan.
Pinipilit maging matatag sa kakapusan ng isipan.

Hindi ko akalain na sa dinamidami
ikaw ang kinamit,
Iniisip ko nang paulit-ulit.
Gusto kong lumapit at ipikit ang mga mata habang ang kamay nati’y mag kakapit.
Andito ako para ipadama ang saya, hindi ang sakit na sinapit mo nang ilang ulit.

Andito lang naman ako.
Naniniwala sa mga katagang
binibitawan mo.
At umaasa rin hanggang dulo.
Dalawang salita lang naman
ang nasa isip ko.
Ang “Talo” o ” tayo”.

Hanggang dito na muna, huling parte na ng tulang naka alay sa iyo.
Sana maintindihan at magustuhan mo.
Gusto ko lang ipaalam sayo bago matapos ang tula, na eto ako ngayon patuloy na nahuhulog sayo.
Ayan ang totoo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *