Ang pentagon ay ang hugis ng limang-sulok na poligon o lima na gilid.
Ang salitang pentagon ay mula sa Griyego — πέντε (pente) at γωνία (gonia) na ang ibig sabihin ay lima + anggulo = limang anggulo.
Ang total na sukat ng mga panloob na anggulo ng isang simpleng pentagon ay 540°.
Ang salin sa Espanyol ay pentágono.
Sa Estados Unidos, ang Pentagon (malaking titik) ay ang malaking gusali kung saan nakasentro ang kanilang Kagawaran ng Depensa.