Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.
Ang mga pantuwang na pangatnig:
- at
- saka
- pati
Mag-aaral ako ng piyano at gitara.
Pupunta ako sa Maynila at magtatrabaho ako doon.
Dalhan mo ako ng tinapay, itlog saka kape.
Ang mga bata pati na ang matatanda ay bibigyan ng regalo.