root word: tawag (meaning: call)
pantawag
“used for calling”
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
Ginagamit sa pagtawag sa tao, pook o bagay.
May mga pantawag pa tayo sa mga nakatatanda sa atin Ito ang magalang na pantawag natin sa nakatatandang kapatid na lalaki gaya ng Kuya, Diko, Sangko o Manong, Ditse, Sanse, Manang at Manay.
Sa lalaki ay maaaring gamitin ang mga pantawag na Ginoo at Mang. Sa babaeng walang asawa ay ginagamit ang Binibini at Aling. Sa babaeng may asawa ay ginagamit ang Ginang at ganoon din ang Aling.
Ate o Manang ang pantawag natin sa nakatatandang babae, kapatid man natin sila o hindi. May mga karaniwang magagalang na pantawag tayo gaya ng Tiya, Tiyo, Lola, Lolo, Impo at Ingkong.
Marami pang mga magagalang na pantawag na maaaring gamitin sa angkop na pagkakataon: Pangulo, Doktor, Lolo, Pangalawang Pangulo, Attorney, Lola, Kapitan, Padre, Tandang, Direktor, Pastor, Manang, Konsehal, Heneral, Manong, Senador, Mayor, Nanang