root word: bukod
pa·ngat·níg na pa·mu·kód
pangatníg na pamukód
KAHULUGAN SA TAGALOG
pangatníg na pamukód: uri ng pangatnig na ginagamit kung sa dalawa o ilang bagay at isipan, ang isa ay ibig itangi sa iba; may anyong patanggi o pasalungat
Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pamukod
- Maghahanda ba tayo sa kaarawan mo o kakain na lang sa labas?
- Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na sila ay mabigo.
- Ni ako ay di niya naaalala, ikaw pa kaya?
- Walang diprensiya sa akin si Pedro man ang magwagi sa paligsahan.