root word: tanong (question)
pananong
question mark
Pagbabantas: Ang Tandang Pananong
Ang tandang pananong ay ginagamit na pangwakas sa mga pangungusap na patanong.
Halimbawa:
May iba pa ring gamit ang tandang pananong tulad ng mga sumusunod:
1. Kapag sinasaklungan, ito ay nagpapahayag ng alinlangan ng sumulat hinggil sa sinusundan.
Halimbawa: Siya ay nag-aral (daw?) sa Ateneo.
2. Kapag sunud-sunod ang pananong sa loob ng isang pangungusap ito ay nagpapahayag ng padiriin (emphasis).
Mga Halimbawa:
Sino ang iyong kinatatakutan? Ang iyong Ama? Ang Pulisya? Ang Diyos?
Pumunta ka ba rito upang ako’y tudyuhin? Kutyain? Hamakin?