Palamuting Pamasko

ni Antonette Valdez

“Palamuting Pamasko”

Simbolo Kaluwalhatian, Kapayapaan
Ang araw ng kapanganakan,
Ang kislap ng iyong Kapalaran
Nagsisilbing aral ng sanlibutan

Sa likod ng Bundok maaaninaw
Ang liwanag mong nakasisilaw
Kasama ng mga anghel hatid ay kabutihan
Ng sinumang may mabuting kalooban

Malamig na simoy ng hangin
Samot-saring parol sa dingding
Sabay sa musikang nakakainganyo
Sa bawat batang namamasko

Isang palamuting pamasko,
Tanda ng pagsilang at respeto,
Di makakalimutan ng sinuman
Ang liwanag mong nagbigay ningning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *