root word: ilong (meaning: nose)
pa·i·lóng
nasal
nasal
paraan ng artikulasyon
manner of articulation
KAHULUGAN SA TAGALOG
pailóng: sa punto ng artikulasyon, tunog na nanggagaling sa ilong
Ang pailong ay isang paraan ng artikulasyon.
Ang mga tunog na pailong ay nalilikha sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng hangin mula sa lalamunan papalabas sa ilong. Ang nalilikhang tunog ay nagiging mas maugong dahil ang bibig ay nagsisilbi ring talbugan ng tunog. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagpigil ng paglabas ng hangin sa bibig gamit ang mga bahagi ng bibig. Kadalasang ang mga plosibo o pigil na tunog lamang ang maaaring gawing pailong.