PAHILIG

Ang tinatawag na slash (/) at iminungkahing isalin sa pahilíg (mabilis ang bigkas) ay ginagamit para sa pagpapakita ng alternatibong elemento o ng pagpipilian. Kinakatawan din nitó ang pangatnig na “o.”

babae/lalaki
at/o
doktor/a
abogado/a

Ginagamit din ang pahilíg sa mga parirala.

Kailangang ipakilala ang huwaran/ituro ang pinagbuhatan ng isang susing salita.

Hindi nila lubos maisip ang pagpapabaya ng mga kasáma/pang-aabuso ng mga pinunò katulad ng naririnig nila sa iba.

Panatag si Juan na papayag ang kaniyang asawa na silá ay magbakasyon sa isla/pumasyal sa panganay sa Amerika.

Sa halip na gatlang en, ginagamit din ang pahilíg sa mga petsa upang maipahiwatig ang saklaw ng panahong tinutukoy.

Nagpainit sa ulo ng mga tao ang balitang pagtaas ng singil sa koryente sa 2014/2015.

Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magbababâ silá ng presyo ng petrolyo sa 25/26 ng Marso.

Sa pagitan ng 25/26 ang gagawing ulat ni Mateo kung kayâ pinaghahandaan niya ito nang mabuti.

May anyo din ng pagsulat ng petsa na ginagamitan ng pahilíg ngunit hindi iminumungkahing gamitin ang anyong ito sa pormal na pagsulat.

3/9/1944

11/8/2013

3/29/2014

7/23/2020

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *