root word: salaysay
pagsasalaysay: narration, storytelling; account; report
Kahulugan / Depinisyon:
Pagkukuwento ng mga pangyayari tungkol sa mga nagging karanasan ng tao sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran.
Pinakamatandang anyo at pinakalaganap na paraan ng pagpapahayag ang pagsasalaysay. Ang mga mito, alamat at kuwentong bayan mula noong panahon ng Lumang Tipan hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatunay sa pahayag na ito.
Layunin
Makapagpahayag-loob, makapagpalitang-kuro, makapaghatid-informasyon, makapagbigay-aral, makapagdulut-tuwa sa isang maayos at sistematikong kaayusan
Kahalagahan
Nagpapalawak ng kaalaman, nagpapaunlad ng pang-unawa
Hanguan ng Isasalaysay
§ Sariling Karanasan
Sa baguhang mananalaysay na medyo di pa gaanong sanay ang utak sa pagsasalaysay, ang pag-alala sa mga naging karanasan ay isang mainam na paksa. Dahil ito’y sarili natin, nagagawa nating palawakin ang mga pangyayari na di nasisira kung ito’y batay sa orihinal dahil buo ang ating kaalaman sa tinatalakay.
§ Nabasa
Lahat ng di makuha sa personal na karanasan ay mababatid sa pagbabasa. Sa pagbabasa ng mga aklat at iba pang limbag na babasahin ay kapupulutan ng maraming kaalaman at karanasan ng ibang tao.
§ Sa narinig o napakinggan sa iba
Hindi masamang maisulat mo ang buhay ng iba kung ang layunin mo ay maganda. Bilang manunulat, nasa sa iyong kaparaanan sa larangan ng pagsasalaysay ang maistilong pamamaraan sa pagtalakay ng mga pangyayari sa buhay ng iba. Ang mga isyong napakinggan, balitang narinig sa radio o telebisyon, pangyayaring sinabi ng iba ay magsisilbing paksa ng pagsasalaysay. Ngunit alalahanin natin na di lahat ng naririnig o napapakinggan ay dapat isulat yaon lamang karapat-dapat at nakasisiguro ka, dagdag pa ang matutuhanan.
§ Napanood sa telebisyon o sa pelikula
Sa panonood ng pelikula o ng telebisyon maging mapanuri tayo upang mula rito’y makabuo ng panibagong isasalaysay. Gamitin lamang ang sariling talino at kaparaanan sa gawaing pagsasalaysay gayundin paganahin ang imahinasyon.
§ Bungang-isip
Sa galaw ng isip o imahinasyon ng manunulat nakakalikha ito ng isang di-karaniwang salaysay. Salaysay na maaaring maging obra maestra pagdating ng panahon dahil bagamat bungang-isip may mga detalyeng iniisa-isang salaysay.
§ Panaginip/Bungang-Tulog
Sa taong may malikot na imahinasyon ang bungang-tulog ay mapanghahawakan para sa isang magandang salaysay. Tulad ng bungang-isip, nasasagot din nito ang mga pangunahing tanong.